Laru-an
Tula ni: intot
Mga bagay na gawa sa iba’t ibang material
Minsan plastic, goma, lata o metal
Meh mumurahin meron ding mahal
Gawa ng taong biniyayaan ng talento ng Maykapal.
Ang tao ay sadyang malikhain
Isinasabuhay ang nasa isip at damdamin
Bida man o kaaway sa nalikhang sining
Di mapantayang saya pag ito na ay naangkin
Meh iba’t ibang karacter, hugis at laki
Mga desenyo nito di mabilang sa dami
Pag ito na ay iyong nabili, pagtitig mo lang nito’y
Pagod mo sa maghapon ay mapawi
Hindi lang mga bata
ang sa laruan ay namangha
ngunit Maging mga magulang na
Ito parin ay ikainatutuwa
Sabi ng iba mga isip bata daw ang bumibili nito
Lalo na’t idad mo ay lampas na sa kalindaryo
Ngunit sabi ko naman sa kanila, dyan kayo nagkakamali
Di nyo ba alam na ito ay mga ubra maestra na minimithi.
Kaya kung ang laruan ay isa sa iyong inaasam
Pagdami ng mga ito sa cabinet mo ay di mapigilan
Mabilis man and pagdami o mabagal lang
Sigi lang ng sigi basta ba’t wagkalang mangungutang!!!!
No comments:
Post a Comment